^

Dr. Love

Ayaw mag-aral

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang problema ko po ay tungkol sa live-in partner kong si Jonas. 22 anyos na siya at isang college drop-out. Hindi pa siya nakatatapos ng third year sa kursong mass communication, ayaw na niyang mag-aral. Wala siyang trabaho at umaasa lang sa iniaabot na ayuda ng mayaman niyang parents.

Kung tutuusin, puwede naman siyang magtapos dahil handa ang kanyang mga magulang  na tulungan siya sa matrikula niya. Lalong nawalan siya ng ganang mag-aral nang magkaroon ng pandemic at on-line na pag-aaral.

Sa aming tahanan, puro computer games ang pinagkakaabalahan niya. Ako lang ang nagtatrabaho bilang guro at pilit kong pinagkakasya sa aming dalawa ang kaunti kong kinikita.

Wala pa kaming anak ngayon dahil nagpi-pills ako. Ayaw kong ipagbakasakali ang future ng magiging anak namin sa isang amang walang trabaho at pinag-aralan.

Inuudyok ko siyang mag-aral alang-alang sa aming magandang kinabukasan. Nais din ng magulang niya na magpakasal na kami pero ako ang umaayaw dahil gusto kong makatapos muna siya. Ako ay nakapagtapos ng kursong edukasyon at kasalukuyang nagtuturo sa isang public school.

Mahal ko masyado si Jonas kaya pinagtitiyagaan ko. Ano ang gagawin ko?

Melissa

Dear Meliss,

Kung sa kabila ng kapintasan ni Jonas ay hindi mo siya mahiwalayan dahil sa tindi ng iyong pag-ibig, puwes magtiis ka na lang at umasa na sa dakong huli ay mahihimok mo siyang magtapos ng pag-aaral.

Pero ang masasabi ko sa iyo ay may hangganan ang pagtitiis. Hanggang kailan mo siya pwedeng pagtiyagaan? Habambuhay? I’m sure hindi, dahil naiisip mo rin ang kinabukasan ng magiging pamilya mo.

Pilitin mo siyang mag-aral. Kung ayaw niya, maghiwalay kayo at sabihin mong makikipagbalikan ka kapag may natapos na siyang kursong at mayroon na siyang trabahong matatag.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

HIGHSCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with