^

Dr. Love

Man-hater

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Melody na lang ang itawag mo sa akin, 25 years old at dalaga pa. 19-anyos pa lang ako ay nabuo na sa puso ko ang galit sa lahat ng lalaki.

Ang dahilan, lahat ng naging boyfriend ko ay naging taksil sa akin. Hindi sila kuntento sa iisang girlfriend. ‘Yun ang nag-iisang dahilan kung bakit kinalasan ko sila.

Ang tatay ko ay numero unong babaero din at iniwan ang aking nanay nang ako’y sampung taon lamang. Dr. Love, ayokong magkaroon ng broken family.

Pero masisira yata ang sumpa ko na hindi na mag-aasawa. May manliligaw ako ngayon na nagpatibok sa aking puso. Ayaw ko muna siyang sagutin dahil nasa puso ko pa rin ang pagdududa sa mga lalaki.

Baka katulad din siya ng ibang na-ging boyfriend ko na salawahan. Pagpayuhan mo po ako.

Melody

Dear Melody,

Tama naman na huwag mo agad siyang sasagutin. Kaibiganin mo muna at kilalaning maigi upang malaman kung siya ay magiging tapat sa pag-ibig.

Huwag mong isarado ang pintuan ng iyong puso sa pag-aakalang pareparehong salawahan ang mga lalaki.

Tinitiyak ko na maraming lalaki ang tapat kung magmahal at responsable sa pagpapamilya.

Dr. Love

vuukle comment

MELODY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with