^

Dr. Love

Palahanap

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Edilberto, 29-anyos at may asawa. Limang buwan pa lang kaming kasal ng misis kong si Eden, 19-anyos. Hindi ako ang unang lalaki sa buhay niya.

Nang makilala ko siya ay kakahiwalay pa lang niya sa kanyang live-in partner na kinasama niya sa loob ng isang taon. Pero hindi mahalaga sa akin ‘yun dahil mahal ko siya. Wala pa kaming anak sa ngayon.

Masyado siyang malambing at parang hindi nakukuntento sa aming pagtatalik.  Kahit nagromansa na kami bago matulog, sa madaling araw ay ginigising niya ako at gustong ulitin namin.

Kahit hindi ko kaya ay kinakaya ko sa pangambang baka humanap siya ng ibang makakatugon sa init at pita ng kanyang pagnanasa.

Kaya kapag nasa opisina ako lalo na kung may overtime, kumakabog ang dibdib ko at nangangamba na may kasiping siyang iba.

Ano po ang dapat kong gawin?

Edilberto

Dear Edilberto,

Halos trenta anyos ka na at ang misis mo ay disinuebe pa lang at nasa kainitan, wika nga. Isa pa, bagong kasal lang kayo kaya marahil ganyan pa katindi ang pita ng kanyang katawan sa pakikipagtalik. 

Naniniwala akong sa paglipas ng panahon ay huhupa rin ang init na iyan, lalo na kapag nagkaanak na kayo.

Ang nararanasan mo ay karaniwang nararanasan ng mga lalaking mas matanda nang maraming taon sa kanyang partner.

Kaya mas mainam sana kung hindi masyadong nagkakalayo ang agwat ng babae at lalaking magpapakasal upang kayang tumbasan ang pangangailangan ng bawat isa.

Pawiin mo ang pagdududa at pangamba sa katapatan ng misis mo dahil baka makaapekto iyan sa efficiency mo sa pagtatrabaho. 

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

HUSBAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with