^

Dr. Love

Tatanggapin ko pa ba siya?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mauro, 41-anyos at isang single parent sa anak kong babae na 12 years old.

Lumaki ang anak ko na walang nakila-lang ina dahil dalawang taon lang siya ng magtaksil ang misis ko at sumama sa ibang lalaki dahil daw kulang ako sa pagsisikap at walang pag-asang yumaman. Maluho kasi siya at ako’y isa lang ordinary messenger sa isang customs brokerage.

Ngunit taliwas sa inakala niya, natutuhan ko ang pasikut-sikot sa customs brokerage business at umasenso ako hanggang makapagtayo ng sariling negosyo.

12 years ang lumipas at habang namamalengke ako ay nakita ko ang aking asawa na nagtitinda ng isda. Ang laki ng itinanda niya kahit siya ay 37 years old lang. Sa kabila nito ay nakilala ko siya at nilapitan. 

Kinausap ko siya at hindi niya napigilang umiyak. Iniwanan daw siya ng kanyang kinasama, sumama siya uli sa ibang lalaking lasenggo at nambubugbog kaya siya na ang umalis.  Nangungupahan daw siya sa isang barungbarong at nabubuhay na mag-isa.

Sa kabila nito ay mahal ko siya kaya nga hindi na ako nag-asawang muli. Gusto ko siyang kunin muli para mabuo ang aming nasirang pa-milya pero may mga nagpapayong huwag na. Ano po ang maipapayo ninyo sa situwasyon kong ito?

Mauro

Dear Mauro,

Kadakilaan ang magpatawad at kung magagawa mo iyan, kalugud-lugod ito sa Diyos. Tama ka sa hangad mong mabuo muli ang inyong pamilya at mangyayari lang iyan kung patatawarin mo siya at tatanggaping muli.

Masakit man ang ginawa niya sa iyo, isipin mo na lang na tao ka rin na pwedeng makagawa ng kamalian. Huwag mong pakinggan ang payo ng iba. Buhay mo iyan at kung ano ang makapagbibigay ng ligaya sa iyo ay siya mong gawin. 

Dr. Love

 

TATANGGAPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with