^

Dr. Love

Wala nang iluluha pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. love,

Galit na galit sa akin ang pamilya ng mister ko. Kesyo masama akong asawa sa kanilang kapatid na na-stroke at nasa ICU dahil hindi ko man lang dinadalaw at sila lang ang nag-aasikaso rito.

Sabi ng doktor, makakaligtas naman siya at magiging baldado na habambuhay.

Tawagin n’yo na lang akong Melina, isang battered wife. Hindi lamang sa pisikal ako sinasaktan ng asawa ko, kundi pati sa emosyon. Inuuwi niya sa bahay ang kanyang mga nagiging kabit at pinatutulog ako sa kabilang kwarto para sila ng kanyang babae ang magromansa sa aming kama.

Naubos na ang luha ko sa kakaiyak at wala nang natitirang pagmamahal sa puso ko dahil sa pagmamalupit niya. Alam ng pamilya ng asawa ko ang kanyang kalupitan. Katunayan, sa labis niyang kalupitan na ‘di ko na matiis, ipinagnobena ko siya na kung hindi magbabago ay kunin na siya ng Diyos para matigil na ang pagmamaltrato niya sa’kin. 

Ngunit ngayon, ako pa ang lumilitaw na masamang asawa hindi lamang sa pamilya niya kundi sa ibang taong nakabasa ng mga paninira sa akin sa social media. Gusto ko siyang bisitahin sa pagamutan pero nangingibabaw sa akin ang galit.

Ano po ang maipapayo ninyo sa ako?

Melina

Dear Melina,

Huwag kang magagalit sa akin pero sa ginagawa mo ngayon, pareho kayong masama ng mister mo. Hindi katuwiran na nagpapakita ka ng masamang pagtrato sa asawa mo dahil naging malupit siya sa’yo. Sana noong mga panahong hindi ka na makatiis ay nagpasya ka na lang na iwanan siya, kaysa naman nananatili kayong nagsasama pero nagpapakita ng kalupitan sa bawat isa.

Sabi nga ng matandang kasabihan, ang mali ay hindi maitutuwid ng isa pang kamalian.  Hindi pa huli para gawin mo ang tama. Dalawin mo siya at kausapin ang mga in-laws mo. Sabihin mong natangay ka lang ng kalupitang ginawa sa’yo ng iyong asawa. Mauunawaan ka nila.

Hingin mo rin ang tawad ng Diyos dahil mala-king kasalanan ang ginawa mong pagdarasal sa kapahamakan ng asawa mo. 

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

MELINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with