^

Dr. Love

Makulit na manliligaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bakit po may lalaking makulit? Sinabihan ko na huwag siyang sunod nang sunod sa akin. First time ko kasing maligawan. Naiilang tuloy ako. Kahit kasi hindi siya kasama sa circle of friends ko pilit siyang sumasama.

Ako tuloy ang nahihiya. Kinakausap ko naman siya kaso talagang wala siyang dating sa akin.

In the first place, ayaw ko pang magkaroon ng bf. Hindi naman siya pangit at hindi naman baduy. Medyo hindi ko lang talaga siya type. Ayoko naman siyang mapahiya at ako pa ang maging sanhi ng kanyang pagkabigo. Hindi niya ako tinatantanan kahit sa fb chat at lagi niyang ini-stalk ang account ko.

Kinausap ko na siya, nagparamdam na ako na kung pwede friends lang kami. Kaso ayaw niyang pumayag gusto raw niyang manligaw.

Panay pa nga ang regalo niya sa akin. Syempre tinatanggap ko. Ako rin naman ang may kasalanan, binigyan ko siya ng pagkakataon at hayun umasa nang umasa. Dina-download pa niya ang latest picture ko. Tapos lagi siyang nagpapasalamat. Binibigyan niya ako ng card na may picture ko.

Hindi ko naman akalaing seseryosohin niya ang magkagusto sa akin.

Marianne

Dear Marianne,

Siguro naiilang ka lang sa ngayon dahil first time mo. Anyway, ganyan talaga…dapat masanay ka na may nanliligaw sa iyo. Para makilala mo ng lubos ang mga lalaking magkakagusto sa iyo at ‘yung tunay na mamahalin ka.

Inaayawan mo ang guy pero baka siya rin ang maging unang bf mo. Hindi naman kita tinatakot.Bahagi ng buhay dalaga ang ganyan. ‘Yung iba ang ginagawa collect and select. Gawin mo silang kaibigan.Hindi naman masama ‘yon.

Sabi nga give your smile to everyone, but give your heart to only one.

Dr. Love

vuukle comment

MANLILIGAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with