^

Dr. Love

Malasakit ng isang guro

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa akong guro ng senior high sa isang privadong paaralan. Taon-taon nagkakaroon kami ng retreat. Isang espiritwal na paraan ng pagninilay ng mga mag-aaral kung paano nila pinahahalagahan ang kanilang pananampalataya at ang kanilang relasyon sa kapwa lalo na sa kanilang mga magulang.

Habang kami ay nagbabahaginan, natuklasan ko na marami sa aming mga mag-aaral ay galing sa broken family.

Kaya sila nagrerebelde at hindi naka-focus sa kanilang pag-aaral. Lalong nagsikip ang aking kalooban ng mapakinggan ko ang isa sa aking mag-aaral na akala mo ay siga- siga at malakas mam-bully sa mga klaymeyts niya. Ibinahagi niya ang kalungkutang nararanasan niya kapag siya ay umuuwi ng kanilang bahay. Wala siyang kasama kundi ang kanilang katulong at ang kanyang alagaing lola.

Hiwalay na ang kanyang mga magulang at ni isa sa kanila ang kumopkop sa kanya kundi ang kanyang tiyahin na lagi ring nasa opisina.

Ang lola niya ang nagbibigay lakas sa kanya para pumasok sa school. Mabuti na nga lang naaasikaso pa siya ng kanilang kasama sa bahay. Nagbibigay naman ng sustento ang kanyang papa. Ang kanyang mama naman ay hindi na nakipag-ugnayan sa kanila simula pa ng nagkahiwlay silang mag-asawa.

Halos humagulgol siya sa iyak at humihingi ng patawad sa kanyang mga nakaalitan at pumatak na rin dahan-dahan ang aking luha.

Sana po kung may nakakabasa nitong liham ko para sa mga magulang, huwag po natin ipagpalit ang kasiyahan ng ating mga anak sa ating galit at pagmamataas sa ating asawa.

Teacher Linda

Dear Teacher Linda,

Pinaiyak mo naman ako. Alam mo mababaw ang luha ako kapag nakaririnig o nakababsa ako ng mga kabataang napabayaan ng mga mga magulang. Ang akala nila sapat na ang mapakain at mapag-aral nila ang kanilang mga anak. Basta matupad lamang ang kanilang obligasyon, ayos na.

Mas kailangan ng mga kabataan ang kalinga at pag-aaruga ng isang nanay at isang tatay. Paano kaya nila natitiis ang mga ganitong sitwasyon?

Kaya please, bago mag-asawa paghandaan ninyong mabuti ang inyong responsibilidad bago pa kayo magkaproblema. Siguraduhin ninyong tunay kayong nagmamahalan at higit sa lahat, magsasama kayo sa hirap at ginhawa.

Sayang ang mga panahon na dapat naialay natin sa ating mga anak. Salamat Teacher Linda sa iyong malasakit.

Dr. Love

vuukle comment

SENIOR HIGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with