^

Dr. Love

Feeling binata

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nahihirapan akong itago sa misis ko ang ginagawa kong kalokohan. Nakokonsensiya na ako kasi bukod sa sakitin na siya, patuloy pa rin siyang naghahanapbuhay.

Hindi niya alam na medyo lumalalim na ang relasyon ko sa aking kasama sa trabaho.

Halos maghapon kaming magkasama kaysa sa misis ko. Tapos ang dahilan ko lagi, may overtime kami kaya ako ginagabi. Ang hindi niya alam, dini-date ko na ang babaeng officemate ko.

Unfair ang ginagawa ko, alam ko ‘yun. Kaso nahulog na ang loob ko sa kasama ko sa office. Dinadaanan ko siya bago ako pumasok at hinahatid ko siya sa kanila bago ako umuwi.

Hindi ko sinabi sa kanya na may asawa na ako. Ang alam niya ay binata ako.

Ang matindi, nag-out of town kami sa Cebu na bagaman part ng trabaho namin ay nag-enjoy ako na kasama siya. Good time talaga at nag-eenjoy na rin kaming magkasama sa hotel.

Pag-uwi ko, may sakit ang misis ko dahil umaatake na naman ang mayoma niya. Halos maubusan na siya ng dugo dahil sa bleeding. Hindi ko maisip na sa kabila ng kalagayan niya ay ginagawa ko pa rin ang kalokohan ko.

Gusto ko na sanang tigilan ang kasinungalingan ko, pero hindi ko kayang simulan baka lalo pa siyang manghina. Sana po mapayuhan ninyo ako.

Doods

Dear Doods,

Ang galing mong sumimple. Alam mo, mahirap ang pinasok mo. Hindi simple ‘yan. Masakit sa misis mo ang ginagawa mo, lalo na may sakit siya. Hangga’t maaga ay tigilan mo na ‘yan bago pa sumambulat ang katotohanan sa kanya.

Maaari ring matagal nang nakakaramdam ang misis mo at hinihintay ka lang niyang umamin at humingi ng patawad.

Huwag kang masanay sa ganyang gawain. Alalahanin mo ang iyong pamilya. Kung may dapat kang i-enjoy, ‘yun ang pamilya mo. Hindi ba kaya ka naghahanapbuhay ay para sa kanila? Mag-isip-isip ka bago pa mahuli ang lahat.

DR. LOVE

vuukle comment

BINATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with