^

Dr. Love

Ang lihim ni Brenda

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dati, laging problema ko kung paano maidadamay sa aking pang araw-araw na budget ang pagkain ng aking biyanang babae, hipag at mga anak niya, at ng aking mag-aama.

Halos walang matira sa kinita ko sa arawang paglalabada, kahit pa pagsamahin ang kita ng mister ko sa pagiging driver-pahinante ng isang piggery sa Batangas.

Kaya sinabihan ko ang aking hipag na mag-isip ng mapagkakakitaan para kahit paano ay makatulong sa mga gastusin.

Dahil hindi pwedeng maglabada ang hipag kong si Brenda, naisip ko na magtabi ng kaunting pera para magsilbing kapital niya sa pagluluto ng bana­nacue o kaya’y barbeque.

Pero isang araw ay nagulat na lang ako, nang magpunta sa bahay namin ang aking biyanan ay nagbigay ng niluto daw niyang pansit. Dahil nagbigay raw ng 6,000 pesos ang hipag kong si Brenda.

Matutuwa na sana ako dahil may pinagkakakitaan na ang aking hipag, pero nang malaman kong galing sa pag-gi-GRO ang ipinapakain niya sa kanyang tatlong mga anak, nainis pa ako. Dahil alam kong hindi ‘yun ikatutuwa ng biyanan ko.

Ang problema ko, Dr. Love nangako ako kay Brenda na hindi ko sasabihin kahit kanino ang lihim niyang trabaho. Kaya kapag nauungkat ang tungkol dito at nagtatanong ang aking biyanan at iba pang kapatid ng mister ko, itinatanggi kong may alam ako.

May pananagutan ho ba ako sa pagtatakip ko sa hipag ko? Aabangan ko po ang payo ninyo. Mara­ming salamat po.

Gumagalang,

Nilda

Dear Nilda,

Para sa akin, kung meron mang dapat magtapat tungkol sa kanyang ginagawa, ‘yun ang hipag mo. Kaya ipanatag mo ang iyong sarili. Wala namang lihim na hindi nabubunyag, gaano mo man ito itago. Ang mas mabuti, habang may panahon pa ay sikapin mo na hikayatin ang hipag mo na makahanap ng matinong trabaho para mas mapakinabangan ng kanyang mga anak ang pinagpapaguran niya.

DR. LOVE

 

vuukle comment

AABANGAN

ACIRC

AKING

ANG

BRENDA

DAHIL

DEAR NILDA

DR. LOVE

HIPAG

KAYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with