^

Dr. Love

Nagpahaba ng buhok si Mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa sa mga katangiang nagustuhan ko sa a­king asawa ay ang clean cut niyang buhok. Pero sa nakalipas na mga buwan ay nagpahaba po siya ng buhok, bagay na ikinaka-turn off ko sa kanya.

Noong una, ikinatuwiran niya na magpapahaba siya ng buhok bilang protesta sa tiwali niyang boss. Magpapagupit din daw siya kapag natanggal na si Director Alonzo.

Pero ilang buwan nang wala sa tungkulin ang boss niya pero hanggang ngayon ay mahaba pa rin ang buhok niya. Maging ang anak namin ay nagtatanong na kung bakit mahaba ang buhok ng kanyang ama.

Sa totoo lang po ay daig pa ako ni Danny sa pag-aalaga sa kanyang buhok. Ang sabi niya, dapat daw alagaan ang buhok para hindi malagas gaya ng buhok ng kanyang mga kabarkada niya.

Nahihirapan po akong tanggapin ang itsura ngayon ng aking asawa, Dr. Love. Minsan pang naulit ang pagpuna ko sa mahaba niyang buhok at parang nairita siya. Dahil hindi naman daw niya pinapakialaman ang kung anu-anong koloreteng inilalagay ko sa aking mukha.

Mali ho ba na panghimasukan ko ang grooming ng aking mister? Ano po ba ang dapat kong gawin, hahayaan ko na lang ba si Danny sa gusto niyang mahabang buhok?

Gumagalang at nagpapasalamat,

Charmaine

Dear Charmaine,

Para sa akin hindi naman mali na iparating mo sa iyong asawa ang obserbasyon mo sa kanya. Pero kung maliban sa pagpapahaba niya ng buhok ay wala naman kung anumang bagay na makakaapekto sa pagsasama ninyong mag-asawa. Ibig kong sabihin wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang inyong pamilya, walang problema.

Hayaan mo lang siya, baka ngayon lang niya naranasang makapagpahaba ng buhok at nagugustuhan naman niya. Pagbigyan mo lang at baka sa mga susunod na araw ay magsawa rin siya.

DR. LOVE

ACIRC

ANG

ANO

BUHOK

CHARMAINE

DEAR CHARMAINE

DIRECTOR ALONZO

DR. LOVE

NIYA

PERO

STRONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with