^

Dr. Love

Naglahong parang bula

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nais ko pong ihingi ng payo ang kasalukuyan kong problema sa puso.

Biyuda ako na may tatlong anak. Simula nang mawala ang aking mister, hindi naging madali ang buhay, lalo pa’t hindi ko halos alam kung paano magsisimulang muli. Dahil sa mahabang panahon na hindi ako pinagtrabaho ng aking asawa.

Pero sa loob ko ay kailangan akong magsikap para sa sarili naming ikabubuhay na mag-iina. Dahil hindi naman pwede na dumipende na lang lagi sa sustento ng aking mga biyanan, bagaman sila ay may kaya sa buhay.

Nagpatayo ako ng parlor at dito kami nagkakilala ni Steve. Palibhasa’y kababayan ko siya kung kaya naging magaan ang loob ko sa kanya. Regular siyang nagpapa-haircut sa aking parlor.

Kalaunan ay naging malapit kaming magkaibigan, kung saan dumarating sa punto na maging ang mga personal na bagay sa buhay ay nasasabi namin sa bawat isa. At sa mga paglabas-labas namin ay namalayan ko na may nabuo nang relasyon sa amin.

Bagay na ikinagalit ng aking mga biyanan, kaya pinutol nila ang sustento para sa pag-aaral ng aking mga anak.

Nang malaman ito ni Steve, nag-alok siya ng tulong. Para maipandagdag sa puhunan sa aking parlor. Sinuportahan din niya ako sa pagpapaaral sa aking mga anak.

Ang masaklap lang, kung kailan napapalapit na sa kanya ang mga anak ko at palapit na rin ang pagre-retire kung kailan niya ipinangakong ipoproseso ang annulment para makapagpakasal kami, naglaho siya na parang bola.

Nalaman ko na lang na nagkabalikan na silang mag-asawa. Kinamuhian ko siya, pero tinanggap niya ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan ko. Maliban lang sa pag-iisip kong ginawa niya lang akong kirida. Dahil mas mahal niya raw ako kaysa sa asawa niya, lamang hindi niya magawang biguin ang pagsisikap ng mga anak niya para mabuong muli ang kanilang pamilya.

Makatwiran po ba ang galit ko kay Steve, Dr. Love?

Gumagalang.

Elisa

Dear Elisa,

Marahil sa puntong hindi siya agad nagtapat sa sa’yo, may katwiran ang galit mo. Pero dahil sinang-ayunan mo ang anumang sinimulan ninyo ni Steve, kahit pa alam mong pamilyado siya bagaman hiwalay, kasama mong tanggapin ang reyalidad na anumang oras ay babalik siya sa sarili niyang pugad.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

ANG

BAGAY

DAHIL

DEAR ELISA

DR. LOVE

MGA

NIYA

PERO

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with