^

Dr. Love

Ayaw mahati ang atensiyon ng anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang kamag-anak ang lumapit sa akin para mamagitan sa hindi pagkakaunawaan ng aming pinsan at kanyang nag-iisang anak.

Kung tutuusin ay mahuhuli na sa biyahe si Derek sa edad niyang 43-anyos. Pero nananati­ling binata pa rin ito, dahil hindi nagtatagal ang pakikipagrelasyon niya.

Una kasing kontra ay ang kanyang ina, na laging may pintas at hindi maganda ang trato sa mga nagiging girlfriend niya. Ang katwiran ni Manang Claring, mahahati ang atensiyon ng kanyang anak para sa kanya, sa sandaling makaisip na itong mag-asawa. Kaya naman, bago pa ipakilala ni Derek sa kanyang ina ang karelasyon niya ngayong si Eloisa ay iniabiso na niya ang sitwasyon. Ipinakiusap din niya na pakisamahan lang ang kanyang inang may karamdaman.

Minsan, nang magawi ako kina Derek ay pahapyaw kong binanggit sa kanya ina na hayaan na ang kaisa-isang anak na maging maligaya. Ikinasama ito ng loob ni Ate Claring at ilang buwan akong hindi kinibo.

Mahirap din panghimasukan ang sitwasyon ng mag-ina. Pero naaawa ako sa aking pamangkin sa pinsan. Natatakot din kasi siyang balewalain ang kalooban ng ina at baka atakihin ng alta-presyon at sakit sa puso.

Paano po ba ang mas mabuting gawin? Pagpayauhan po ninyo ako para matulungan ko si Derek.

Maraming salamat.

Cynthia

Dear Cynthia,

Sa palagay ko, ang tanging makakatulong kay Derek ay ang sarili niya. Mag-effort siya para makausap nang sarilihan ang kanyang ina at palambing niyang sabihin nang unti-unti ang kalooban niya. Sikapin niyang, maibigay ang sinserong seguridad para sa ina, na nangangambang mabalewala kapag may iba nang kahati sa atensiyon ng kaisa-isa niyang anak.

Maaaring hindi ito magiging madali sa umpisa, pero naniniwala ako na kung magpupursige si Derek na ipapakita sa kanyang ina na tapat siya sa pangakong hindi maiitsa­pwera ang ina, makukuha niya ang basbas nito.

DR. LOVE

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE CLARING

DEAR CYNTHIA

DEREK

DR. LOVE

INA

KANYANG

MANANG CLARING

NIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with