^

Dr. Love

Pagnanasa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati. Sana’y itago mo na lang ako sa pseudonym na Herbert.

Ako po ay 23-anyos na pero binata pa, at lubhang kahiya-hiya ang problema ko. Dahil nagkakaroon ako ng matinding desire na makipagtalik sa tuwing nakakakita ako ng maganda at seksing babae. Salamat na lang at nangingibabaw ang aking sense of decency at napipigil ko ang anumang simbuyong nararamdaman ko.

Mayroon naman akong girlfriend na maganda pero hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng makita kong babae ay naroon ang matin­ding pagnanasa. Naiisip ko na baka ito’y isang psychological abnormality na kinatatakutan kong mangyari sa akin.

Abnormal ba ang ganitong damdamin, Dr. Love?

Herbert

Dear Herbert,

Sa tingin ko naman, normal sa lalaki o kahit babae na humanga sa ibang tao lalo na kung physically attractive.

Sa lalaki, karaniwan na ‘yung may kaun­ting “pagnanasa” lalo pa’t sexy ang bihis ng babae. Ganyan kasi ang naturalesa ng lalaki.

Huwag kang mag-alala. Tingin ko’y masyado ka lang disente kaya ang hindi pangkaraniwang nararamdaman mo ay ikinababahala mo. Nagiging masama lang iyan kapag nauwi sa pangre-rape o kaya’y paggawa ng kalaswaan sa harap ng tao.

Huwag lang itong maging dahilan ng pambabastos mo sa babaeng attracted ka ay walang problema iyan.

Dr. Love

ACIRC

ANG

DAHIL

DEAR HERBERT

DR. LOVE

GANYAN

HUWAG

ISANG

MAYROON

NAGIGING

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with