^

Dr. Love

Inako ang obligasyon ng anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malaki po ang problema ko sa aking bunsong anak, na ngayon ay nasa poder ko kasama ang aking mga apo.

Hiwalay si Digna, 41-anyos sa kanyang asawa. Ang dalawa nilang anak ay kapwa nasa kolehiyo.

Dr. Love, hanggang ngayon ay tikom ang bibig ko sa aking mga apo sa tunay na dahilan ng paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Dahil gusto kong mapanatili ang dignidad ng aming pamilya.

Maagang nagpakasal sina Digna at Deo dahil buntis na ang aking anak. Dahil hindi pa handa, kinupkop namin sila ng aking nasirang asawa.

Nang makapanganak, nagtrabaho ang aking anak. Malaki ang kinikita niya kahit ‘di tapos bilang interior designer habang part time DJ naman sa isang disco pad ang aking manugang.

Pagkaraang mailuwal ang pangalawang baby, pinatigil ni Digna ang mister niya sa trabaho para magbantay sa mga bata. Ang problema, ang anak ko ay nagkaroon ng karelasyon sa trabaho at nakumpirma ito ng aking manugang. Dahil dito, naging miserable ang kanilang pagsasama. Natuto rin mambabae si Deo at nakatagpo ng mayaman.

Nananatili sa poder ko ang aking mga apo, salamat na lang sa naiwan ng aking asawa at nasusustentuhan ko ang kanilang pag-aaral at iba pang pangangailangan.

Pinangaralan ko na si Digna pero tuloy pa rin ang pakikipagrelasyon niya sa lalaking may asawa. Pagpayuhan po ninyo ako, ayaw kong masira ang relasyon nilang mag-iina dahil sa pagsasawalang-bahala ng aking anak.

Gumagalang

Depressed Mother

Dear Depressed Mother,

Ang saklaw ng magulang sa anak ay natutuldukan kapag nasa hustong gulang na ang mga ito. Kadalasan, gusto nilang sila na ang magdesisyon para sa kanilang sarili. Ang tanging bahagi na lang ng magulang ay mangaral. Ngayon, kung hindi sila makinig ano pa ang magagawa ng magulang? Isipin mo na lang na kailangang matuto ng iyong anak sa kanyang sariling paraan.

DR. LOVE

AKING

ANAK

ANG

DAHIL

DEAR DEPRESSED MOTHER

DEO

DEPRESSED MOTHER

DIGNA

DR. LOVE

MALAKI

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with