^

Dr. Love

Hindi nagsisisi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May kasabihan na ang anumang bagay na ginawa nang dahil sa pag-ibig, nagdulot man ito ng kasawian ay hindi dapat pagsisihan.

Tawagin mo na lamang akong Lenlen, 26 anyos at isang manikurista sa isang parlor na pag-aari ng isang bakla. Tawagin mo na lang siyang Peachy at matanda ako ng limang taon sa kanya.

Kung umasta ang amo kong ito ay bading na bading. Nagme-make-up at nagsusuot ng damit gaya ng babae. Nagulat na lamang ako nang sabihin niyang gusto niya ako at magsama raw kami. Kahit siya’y bading, gusto raw niyang magkaanak.

Dahil sa kabaitan niya ay nagkaroon ako ng feelings sa kanya. Pinipilit ko siyang mag-astang lalaki pero ‘yun daw ang hindi niya maipapa­ngako sa akin. Guwapo kasi siya kung magiging lalaki.

Nagsama kami at ngayo’y dalawang buwan na akong buntis. Sinasabihan ako ng mga kaibi­gan ko na baka magsisi ako pero naniniwala akong mahal ko siya at wala akong dapat pagsisihan.

Tama ba ako, Dr. Love?

Lenlen

Dear Lenlen,

Desisyon mo iyan at wala akong karapatang humusga kung tama o mali. Nasa wastong gulang ka na at dapat alam mo ang tama sa mali. Gayunman, nakatitiyak ka ba na mahal ka rin ni bakla?

Sa tingin ko kasi, baka gusto ka lang niyang anakan pagkatapos ay iiwan. Sana huwag mangyari. Kasi, may mga bakla na ibig ding magkaroon ng sariling anak.

Hindi rin ako pabor sa pagli-live in ninyong dalawa.  Mas makabubuti kung mahihimok mo siyang kayo ay magpakasal.

Dr. Love

vuukle comment

ACIRC

AKO

DAHIL

DEAR LENLEN

DESISYON

DR. LOVE

GAYUNMAN

GUWAPO

LENLEN

STRONG

TAWAGIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with