Dapat siyang pumili
Dear Dr. Love,
Isang magandang araw sa iyo, Dr. Love. Sana ay datnan ka ng sulat ko na nasa mabuting kalagayan. Matagal na po akong nagbabasa ng Pilipino Star NGAYON, ang paboritong pahayagan dito sa amin sa Cavite.
Tawagin n’yo na lang akong Ernan, 20 years old. Ako po ay may kasintahan na ang pangalan ay Lucille at isang buwan na kaming mag-on. Pero nalaman ko na may isa pa siyang boyfriend.
Sabi niya sa akin, hindi niya talaga mahal ang boyfriend niya. Noong una’y magkaibigan lang kami ni Lucille. Pero katagalan ay nagkaroon kami ng mutual understanding.
Iginagalang ko po si Lucille, Dr. Love. Ang problema ko ay ayaw niyang makipag-break sa boyfriend niya dahil naaawa raw siya.
Tama ba ito, Dr. Love? Kung ikaw ang nasa katayuan ko ay ipagpapatuloy mo ba ang relasyon sa kanya? Payag naman akong maghintay sa kanyang desisyon.
I will wait for your advice.
Ernan
Dear Ernan,
Talagang mali sa panig ng kasintahan mo na magkaroon ng isa pang kasintahan, bukod sa iyo. She must make a decision. Hindi katuwiran ‘yung naaawa siya sa kasintahan niya.
Kung gusto mo namang magsakripisyo at maghintay kung sino sa inyong dalawa ng isa pa niyang boyfriend ang pipiliin niya, eh ‘di cool off muna kayo. It is not right if you go on dating habang may idini-date siya na iba.
Dapat ang girlfriend mo ang gumawa ng pagtitimbang kung sino sa inyong dalawa ang tunay niyang mahal.
Dr. Love
- Latest