^

Dr. Love

Puppy love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Marahil ay magugulat ka sa kuwento ng buhay ko. Dose anyos pa lang ako ay nagka-crush na ako sa kapitbahay namin na sampung taon ang agwat sa akin.

Tawagin mo na lang akong Elma, 20-anyos na ngayon at dalaga pa.

Oo, nagka-crush ako kay Dindo at kinaibigan ko siya nung ako’y 12 anyos pa lang.  Pero hindi niya ako siniseryoso noon dahil bata pa ako. Nakikipagbiruan siya at kung minsa’y nakiki­paglaro siya sa akin ng badminton.

Hanggang sa nakapag-asawa si Dindo nang ako’y 15 anyos na. Masakit sa akin dahil dama kong mahal ko siya.

Katunayan, ngayong 20 na ako at siya ay 30 taon na, nararamdaman kong mahal ko pa rin siya kahit may asawa na at apat na anak na.

Siyempre hindi ako nagpapahalata at ka­ibigan ko pa ang kanyang asawa. Parang hindi ako makapag-move on dahil sa tuwing may manliligaw sa akin ay hinahanap ko ang kata­ngian palagi ni Dindo.

True love kaya ang nadarama ko?

Elma

Dear Elma,

True Love? Siguro nga. Pero hindi na malaya ang napupusuan mo kaya kalimutan mo na siya.

Mag-entertain ka ng maraming suitors at pag-aralan mo ang mga katangian at ugaling angkop sa iyo.

Huwag mong hanapin sa kanila ang kata­ngian ni Dindo dahil walang katulad ang bawat taong nilalang ng Diyos.

Huwag mong ipako ang iyong pansin sa isang may asawa at baka matukso kayo pareho.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR ELMA

DINDO

DR. LOVE

ELMA

HUWAG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with