^

Dr. Love

Ginagawang ‘tulay’ sa pangangabit

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bago lang ako sa pinapasukan kong opisina. Isang kasamahan ko ang madalas kong makakwentuha, tawagin na lang natin siyang Rona. Base sa kanyang mga kwento ay isa siyang huwarang asawa at ina.

Out of town ang trabaho ng kanyang asawa ay tuwing week-end lang kung ito ay umuwi sa kanilang tahanan. Kaya mistulang single parent din ang dating sa pagpapalaki niya sa kanilang nag-iisang anak na lalaki.

Isang obserbasyon lang po, Dr. Love ang hindi nagpapatahimik sa konsensiya ko. Nitong mga nakaraan ay napapansin ko na kakaiba ang attachment ni Rona sa isa naming officemate, tawagin na lang natin siyang Dado.

Sa mga nakikita ko, hindi lang po sila malapit sa isa’t isa. Unti-unti po luminaw ang lahat simula nang mag-celebrate ng birthday si Rona sa kanilang bahay. Apat lang kaming babae at ang kaisa-isang lalaking imbitado ay si Dado.

Ang masaklap lang po ay nagmimistulang tulay ako para sa kanila nang hindi ko namamalayan. Dahil sa akin pinapasama ni Rona si Dado para hindi halata na sila ang may kung “ano.”

Mula noong birthday ni Rona at sa mga sumunod pang lakad namin ay ganon nang ganon ang nangyayari. Ayaw ko po na maging kasangkapan, sa malaking posibilidad na masira ang pamilya ni Rona.

Pamilyado rin po si Dado. Pagpayuhan po ninyo ako kung ano ang magandang gawin. Maraming salamat po.

Gumagalang,

May

Dear May,

Maaaring ang mga obserbasyon mo ay bumubuo ng hinala tungkol sa kaopisina mo. Pero kasi, unang-unang sa lahat buhay niya ‘yun at walang karapatan ang sino man na manghimasok. Pangalawa, hinala mo lang naman ‘yun.

Para sa kapanatagan mo, sakaling makiusap si Rona sa iyo na isabay si Dado hindi naman masama na tanggihan mo.

DR. LOVE                              

APAT

AYAW

DAHIL

DEAR MAY

DR. LOVE

ISANG

LANG

RONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with