Walang imposible sa Panginoong Diyos
Dear Dr. Love,
A warm Christian brotherly greeting to you. Dumadalangin ako na sana’y mapaunlakan mong mailathala ang sulat ko na gaya ng sa iba’y nais humingi ng mahalaga mong payo.
Tawagin mo na lang akong Raymond, 21 anyos. Walang nakakabatid ng problema kong ito maliban sa nag-iisa kong best friend. Ako ay isang bakla.
Pilit ko itong itinatago at walang nakakahalata kahit ang mga parents ko. Nagkaroon din ako ng limang girlfriends para pagtakpan ang aking tunay na damdamin. Pero hindi nagtatagal ang aming relasyon.
Pero may dumating sa aking buhay. Isang lalaking inibig ko. Isa rin siyang gay na ayaw magpahalata.
Siya ang naging best friend ko at naisiwalat namin sa isa’t isa ang totoo naming nararamdaman. Katulad ko, mayroon din siyang girlfriend at ito ay para hindi mahalata ang kanyang pagiging gay.
Pareho kaming dumalo sa isang bible study at pareho kaming na-convict. Hindi pala kalugud-lugod sa Diyos ang aming nararamdaman.
Ano ang gagawin namin?
Raymond
Dear Raymond,
Maraming katulad mo ang binago ng pakikinig sa salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ay inihahambing sa matalas na tabak na may kabilaang talim.
May mga kakilala ako na nagkaasawa at nagka-pamilya dahil nagkaroon ng transformation dahil sa pakikinig sa Salita ng Diyos. ‘Yung iba pa nga ay naging pastor na aktibong naglilingkod sa Diyos.
Tungkol sa kaibigan mo na isang gay din na gaya mo, magturingan na lamang kayong matalik na magkaibigan at ipagpatuloy ang pakikinig at pagbubulay sa Salita ng Panginoon.
Alam kong may magandang plano para sa inyong dalawa ang Diyos.
Dr. Love
- Latest