^

Dr. Love

Parehong naghahabol sa ‘biyahe’

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang natanggap sa sarili na tatanda na akong dalaga dahil wala akong matagpuang lalaking tumutugon sa aking dream man.

Ang dalawa kong kapatid na lalaki ang natitirang pamilya ko dahil pareho nang sumakabilang-buhay ang aming mga magulang. Kapwa may asawa at anak na sina Brando at Marlon habang ako sa edad na 35-anyos ay hindi pa nakakakita ng pakakasalan.

Ang sabi ng aking mga hipag, hahanapan nila ako ng lalaking alam nilang husband material at bahala na raw akong mamili. Gayon nga po ang nangyari. Sa lahat ng mga nakilala ko, si Dante, pinsan ng hipag kong si Donna ang natipuhan ko. Pareho kaming mahilig sa mountain climbing at tour package, sa madaling salita, nag-click ang pagkakaibigan namin.

Pero ang pinakahihintay ng aming pamilya na kasalan ay mukhang malabo po, kung walang isa man sa amin ang gagawa ng unang hakbang para mag-level up ang aming pagkakaibigan.

Pinayuhan ako ng aking hipag na si Donna na maghayag ng motibo. Pero nag-aalangan ako, Dr. Love dahil wala naman talaga akong nararamdamang pagmamahal kay Dante. Ayaw ko naman po na magkatuluyan kami dahil nadala lang ako sa agos para hindi tuluyang mapag-iwanan.

Susundin ko ba si Donna o hihintayin kong kumilos si Dante? Payuhan mo po ako Dr. Love.

Gumagalang,

Nenita

Dear Nenita,

Bigyan mo muna ng pagkakataon si Dante. Baka naman gaya mo ay nag-aalinlangan din siya. Tutal naman nasa tamang edad na kayo at aware kayo pareho kung bakit ipinakilala kayo sa isa’t isa ng inyong mga kapamilya, dahil gusto nilang i-match kayo. Subukan mo siyang tanungin kung sa palagay niya ay may patutunguhan pa ang pagkakaibigan ninyo. Sa isasagot niya, magkakaroon ka ng idea kung posible itong mag-level up o hindi nang hindi mo kailangan maging agresibo.

DR. LOVE

vuukle comment

AKO

AYAW

BIGYAN

BRANDO

DEAR NENITA

DR. LOVE

GAYON

GUMAGALANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with