^

Dr. Love

Gustong ipakasal sa iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo at sa lahat ng tagasubaybay ng iyong column. Ako po si Lorna. Please withhold my family name.

May boyfriend po ako for 1 year at nagmamahalan kami. Pero nagulat ako nang may ipakilalang binata sa akin ang tatay ko. Sabi niya, estimahin ko raw mabuti.

Sinabi sa akin ng aking tatay na ang lalaking ‘yon ay anak ng kumpare niya at nagkasundo silang dalawa noong araw na  ipakasal kami pagdating nang tamang panahon.

Tahasan kong sinabi na ayaw ko sa lalaking ‘yon dahil may boyfriend na ako pero kinagalitan ako. Sabi niya, kapag hindi ako pumayag ay palalayasin niya ako at hindi na papag-aralin.

Ano ang gagawin ko?

Lorna

 

Dear Lorna,

Ilang taon ka na ba? Kung nasa edad ka na ay walang pakialam ang magulang sa lalaking pipiliin mo. Buhay mo iyan.

Ang tungkulin lang ng magulang ay magpayo pero pagdating sa pag-ibig,  hindi sila ang dapat pumili ng ating lifetime partners.

Ano bang ibig niyang mangyari? Ikasal kayo kahit hindi pa tapos ng pag-aaral?

Padamahin mo muna. Sabihin mo na magtatapos ka muna ng pag-aaral bago magpakasal at pagdating ng araw na iyon, baliin mo na ang iyong pangako.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BUHAY

DEAR LORNA

DR. LOVE

IKASAL

ILANG

LORNA

MASAYANG

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with