^

Dr. Love

‘Di mapatawad ang sarili

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mahigit dalawang taon nang sumakabilang buhay ang asawa ko, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapatawad ang aking sarili.

Nagkasakit sa puso si Dulce, bukod pa rito ang kanyang high blood pressure kaya kailangan niyang maalagan ng mabuti. Mula sa pagpapa­kain hanggang sa tutok na pagpapainom ng mga kailangan niyang gamot.

Ang pinsan niyang si Maria undergraduate sa kursong nursing ang aming pinakiusapan na mag-alaga sa kanya. Aminado ang aking asawa na hindi na niya magagampanan ang tungkulin niya sa akin bilang asawa, kaya malaya raw akong mag-good time paminsan-minsan. Pero ang hindi niya matanggap ay kay Maria ako nagkaroon ng ugnayan.

Umalis nang walang sabi-sabi si Maria nang magkabukuhan na. Marahil dahil sa matinding kahihiyan. Kaya ako na ang nag-alaga sa a­king asawa. Dr. Love, walang araw na hindi ko ihinihingi ng tawad ang naging pagkakasala ko sa aking asawa.

Pero sinisisi niya ang kanyang sarili sa mga nangyari, ang kanyang kakulangan daw ang nagtulak sa akin para dungisan ang aming kasal. Hindi na niya ginusto pang gumaling.

Simula nang maulila ako kay Dulce ay ipinako ko ang aking sarili para itaguyod ang aming nag-iisang anak. Ano po ba ang dapat kong gawin para makakawala sa sumbat ng aking budhi?

Gumagalang,

Romeo
Dear Romeo,

Malinaw mong nakita ang sakit sa kalooban ng iyong asawa, dahil sa namagitan sa inyo ng kanyang pinsan. At ito ay nangyari sa kasagsagan ng paghihirap niyang labanan ang kanyang sakit. Kaya matindi rin ang sumbat ng iyong konsensiya.

Ang katahimikan na hinahanap mo ay hindi maibibigay ng sinuman, lumapit ka sa Dios na tanging makapagbibigay ng kapayapaan sa puso mo. Sa Kanya ka humingi ng tawad, dahil Siya lang ang makapagbibigay ng kapatawaran na kailangan mo. Hingin mo rin ang patnubay Niya sa lahat ng bagay, lalo na sa pagtataguyod sa inyong nag-iisang anak.

DR. LOVE

AMINADO

ANO

ASAWA

DEAR ROMEO

DR. LOVE

KAYA

PERO

SA KANYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with