^

Dr. Love

Dapat bang magpakasal?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Sweetest greetings to you and your readers. Sana po ay mapaunlakan mong itampok ang aking sulat.

Tawagin mo na lang akong Marian, 23-anyos at dalaga. Mayroon po akong kasintahan at tawagin mo na lang siyang Arnold.

Hiwalay si Arnold sa asawa pero ang sabi niya, kasalukuyang pinoproseso ang annulment niya sa kanyang asawa.

Bago ko pa siya sagutin ay sinabi na niya sa akin ito at nakita ko ang katapatan niya dahil wala siyang inilihim sa akin.

Sinagot ko na siya at dalawang buwan na ang aming relasyon. Pinakakaingatan ko lang na walang mangyari sa aming pre-marital sex dahil wala pang katiyakan kung ano ang mangyayari sa isinampa niyang annulment.

Nagdadalawang-isip ako ngayon. Kasi’y may tatlo siyang anak sa asawa niya na baka maging problema kung magpapakasal kami.

Kung kayo ang nasa katayuan ko, dapat ba akong magpakasal sa kanya?

Marian

Dear Marian,

Una sa lahat, tama ang ginagawa mo na huwag munang ibigay ang iyong sarili sa iyong boyfriend. Kahit binata pa siya ay hindi dapat ang pre-marital sex dahil ang pag-aasawa ay sagradong institusyon na hindi dapat dungisan.

Tinatanong mo ako kung tama bang magpa­kasal ka sa kanya? Kung annulled na ang una niyang kasal ay walang illegal sa batas ng tao kung magpapakasal kayo.

Kaso, kung mayroon kang pangamba na baka maging problema ang kanyang tatlong anak sa una, talagang dapat pag-isipan iyan.

Maski papaano ay obligado siyang magbigay ng sustento sa kanyang mga anak sa unang asawa. Okey lang iyan kung super yaman ang boyfriend mo na ubrang magsustento sa iyo, sa magiging anak ninyo at sa mga anak niya sa unang asawa.

Kung ako ikaw, hindi ako mag-aasawa sa lalaking hiwalay na may anak sa unang asawa.

Kaso, hindi ako ikaw at tanging ikaw lamang ang puwedeng magpasya sa iyong sarili.

Dr. Love

ANAK

ASAWA

DEAR MARIAN

DR. LOVE

HIWALAY

KAHIT

KASO

KUNG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with