^

Dr. Love

Laging ‘sagot’ ang bf sa date

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kaopisina ko po ang boyfriend ko. Self-suppor­ting student po siya noong magkakilala kami. Maga­ling siya sa computer programming kaya natanggap siya sa aming opisina.

Madali kaming nagkahulihan ng loob lalo na’t siya ang palaging trouble shooter sa computer network namin sa research division ng aming tanggapan.

Lagi namin siyang inililibre sa lunch dahil madali siyang tawagin kung mayroon kaming problema. Puro mabubuting bagay ang nakikita ko noon kay Deo kaya nang ligawan niya ako ay madali ko siyang sinagot.

Sa mga pagde-date namin, unti-unti kong naoobserbahan na kapag oras na ng bayaran ay malalim ang bulsa ni Deo. Iniisip ko noon na kailangan niyang magtipid dahil sariling-sikap siya sa pag-aaral.

Pero wala rin palang pagbabago kahit nang maka-graduate na siya. Ako pa rin ang nagbabayad ng aming pagkain tuwing nagde-date at ni-minsan ay hindi niya ako hinatian sa gas gayong hinahatid ko siya lagi sa kanila.

Ang sabi ng mga katrabaho ko, pinamihasa ko raw kasi. Samantalang sila ay makikihati lang sa bayarin kapag napansin na talagang kapos ang kanilang boyfriend.

Mahal ko po si Deo, Dr. Love pero ang ugali niyang ito ay hindi ko na yata mapapalampas. Dapat ko bang ipamukha sa kanya ang ganitong masama niyang ugali? Paano ko po sasabihin sa kanya ito nang hindi siya magagalit sa akin?

Salamat po sa payong ibibigay ninyo. More power, Dr. Love.

Gumagalang,

Nancy

Dear Nancy,

Kung may bagay na nagiging mitsa ng pagti­tinginan ng kahit sinong magkarelasyon, mahalaga na mapag-usapan ito. May point ang mga officemates mo na maaaring napamihasa mo nga ang boyfriend mo, kaya akala niya ay okey lang ang ganong set-up.

Sa susunod na lumabas kayo, unahan mo na siya na wala kang budget para sa lakad ninyo. Pero sabihin mo nang may lambing para hindi offending ang dating. Kung akuhin niya ang gastos, mabuti pero kung hindi, panindigan mo na wala kang maipanggagastos para sa inyo at lumabas na lang sa ibang araw.

DR. LOVE

vuukle comment

DAPAT

DEAR NANCY

DEO

DR. LOVE

GUMAGALANG

INIISIP

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with