^

Dr. Love

Secret love

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Merry Christmas at advance Happy New Year sa iyo. Tawagin mo na lang akong Joe, isang construction worker at 20 years old.

Mababa lang ang pinag-aralan ko kaya heto, taga-pala ng semento.  May itinatayo kaming building at dito ko nakilala si Cely, anak ng engineer na nangangasiwa sa konstruksyon.

Maganda, mabait at isang nursing undergra­duate. Siya ang nangangasiwa sa pagpapasahod sa aming mga manggagawa.

Una ko pa lang makilala si Cely ay tumibok na ang puso ko. Alam ito ng isa kong kaibigan sa site. Pero sabi niya, anak siya ng engineer namin at alangan kaming dalawa.

Sabi pa niya, baka matanggal ako sa trabaho kapag niligawan ko siya. Pero naniniwala akong pantay-pantay pagdating sa pag-ibig.

Dapat ko bang ituloy ang panliligaw? Naghihintay sa iyong mahalagang payo.

Joe

 

Dear Joe,

Tama ka. Kung mahal mo siya at binata ka naman, ligawan mo siya. Walang masama riyan.

Totoong walang diprensya kung langit at lupa man ang inyong agwat. Lahat ay malayang manligaw basta’t may karapatan. Kung iibigin ka rin niya, eh ‘di pasalamat ka sa Diyos. Kung hindi naman, huwag ka nang magpumilit.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

CELY

DAPAT

DEAR JOE

DIYOS

DR. LOVE

HAPPY NEW YEAR

MERRY CHRISTMAS

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with