Type ang gf ng utol
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Bart, 19 anyos. Gusto kong tanungin kung tama bang ligawan ko ang siyota ng aking kuya?
Hindi ba may kasabihan na “all is fair in love?” Tutal hindi pa naman sila kasal at puwede pang ligawan ang kasintahan ng kapatid ko.
Ang ganda-ganda kasi niya at na-love at first sight ako. Bata siya sa akin ng dalawang buwan lang.
Hindi kami in good terms ng utol ko. Alam mo na, selosan. Naiinggit siya sa akin dahil bilang bunsong anak ay I get the most favors from my parents.
Pero naiisip ko rin na baka lalo siyang magalit. In the last analysis, hindi ba dapat ipaglaban ang pag-ibig?
Nagugulo ang isip ko, Dr. Love. Seryoso akong i-pursue ang nararamdaman ko dahil naniniwala akong hindi dapat basta sumuko hanggang hindi mo nagagawa ang lahat ng kaya mong gawin para ma-win ‘yun.
Pero kahit paano ay naiisip ko rin ang kalooban ng kapatid ko. Nga lang mas lamang na i-push ko ang interest para sa siyota niya. Ano po ang palagay n’yo sa balak ko?
Bart
Dear Bart,
Masyadong desperate move naman ang naiisip mo. Bakit tataluhin mo ang utol mo, wala na bang ibang babae sa paligid mo?
Kung ako ikaw ay manliligaw na lang ako ng iba. Hindi bale kung kaibigan mo lang ang tatangkain mong agawan ng nobya. Eh utol mo iyan ah.
Ang lagay ba naman, paborito ka na nga ng mga magulang mo at nakukuha ang lahat ng pabor aagawan mo pa siya?
Kapatid mo pa rin siya kahit may hindi kayo pagkakaintindihan. Bigyan mo naman siya ng pagmamahal.
Look around, napakaraming babae sa paligid… kailangan mo lang makisalamuha at iparamdam na nag-e-exist ka.
Manligaw ka ng iba. Tiyak ko na maraming mas maganda riyan.
Dr. Love
- Latest