^

Dr. Love

Natutukso

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Mainit na pagbati ang ipinararating ko sa iyo. Sana’y datnan ka ng aba kong sulat na nasa mabu­ting kalagayan.

Tawagin mo na lang akong Bruce, 28 anyos at isang trike driver. May asawa ako at dalawang anak.

Ang tricycle na pinapasada ko ay napanalunan ko sa raffle at malaking tulong sa aking pamilya dahil mababa lang ang natapos ko at walang akmang trabahong pang-opisina sa akin.

Ang problema ko ay ito, nagkaroon ako ng pasahero na naging suki ko na. Tawagin mo na lang siyang Raquel, 45 anyos at isang biyuda. Nahalata kong may gusto siya sa akin hanggang sa tuluyan siyang nagtapat na tipo raw niya ako.

Mayaman siya at handa raw niyang ibigay ang gusto ko kung makikisama ako sa kanya.  Nasabi ko ito sa aking asawa dahil ayaw kong maging taksil sa kanya. Kaso sa hirap ng buhay namin ay natutukso akong pumatol. Pagpayuhan mo naman ako.

Bruce

Dear Bruce,

Saan mang anggulo silipin ay mali ang iniisip mo. Ang pag-asenso ng buhay ay nasa pagsisikap at pagtatrabaho ng patas.

Hindi mo kailangang maging prostitute para marating mo ang iyong pangarap. Sarili mo ang tricycle na ipinapasada mo kaya diyan ka magtuon ng pansin.

Alam ko na kahit trike driver ka lang, hindi ka na kakapusin kung pag-aari mo ang sasakyan. Kaya kalimutan mo ang pagkamal ng easy money.

Dr. Love

vuukle comment

ALAM

DEAR BRUCE

DR. LOVE

KASO

KAYA

MAINIT

MAYAMAN

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with