^

Dr. Love

Huwag padalus-dalos

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

How are you Dr. Love? Hope you’re fine.  Ako po si Jessilu, 19 anyos. Sa ngayon ay nag-aaral ako ng computer science.

May nakilala akong guy who is 30 years old at professional. Sabi niya businessman daw siya at binata pa.

Nakilala ko siya sa isang birthday party ng aking kaibigan and I find him attractive and impressive.

Nanliligaw na siya sa akin ngayon at paminsan-minsan ay kumakain kami sa labas. Mga fine dining restaurant sa malalaking hotel ang pinupuntahan namin.

Wala akong nababanaag na masamang interes niya sa akin dahil isa siyang gentleman at matapos ang date namin ay inihahatid niya ako nang maayos sa bahay. Nakilala na rin niya ang mga parents ko.

Minsan ay tinanong niya ako kung may maaasahan siya sa akin pero ang sabi ko, bigyan pa niya ako ng kaunting panahon.

Ano sa palagay mo? Right guy ba siya sa akin?

Gumagalang,

Jessilu

Dear Jessilu,

Magkalayo ang inyong edad pero wala akong nakikitang problema diyan basta’t wala siyang asawa at mabuti ang kanyang intensyon sa iyo.

Pero na-background check mo na ba siyang mabuti?  Kung hindi, huwag kang padalus-dalos sa iyong desisyon.

Maaaring pinakikitaan ka niya ng maganda dahil hinuhuli niya ang iyong loob upang tuluyan kang bumagsak sa kanyang patibong.

Mabuti na ang nag-iingat.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR JESSILU

DR. LOVE

GUMAGALANG

JESSILU

MAAARING

MAGKALAYO

NAKILALA

NIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with