^

Dr. Love

Taken na ang boyfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta ka na, Dr. Love? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng sulat ko. Tawagin mo na lang akong Lorie, 25-anyos at isa pang dalaga.

Nagtatrabaho po ako sa isang rural bank at ang problema ko ay ang aming bank manager na naging boyfriend ko.

Tatlong buwan na ang aming relasyon pero maingat ako sa aking sarili. Kumakain kami sa labas at nanonood ng sine pero kapag ibang bagay na ang hinihingi niya ay agad akong tumatanggi.

Hanggang sa malaman ko na may asawa siya at dalawang anak. Nang tanungin ko siya ay nag-sorry siya sa akin at sinabing nagkakalabuan na silang mag-asawa at hiwalay na sila six months ago. Sabi niya ay inaayos na ang kanilang annulment.

Pero nagpakatanggi-tanggi ako at nakikipag-break dahil ayaw ko sa isang separated kahit pa na-annul na ang kasal nila.

Pero ayaw niyang makipagkalas sa akin at nagbantang irerekomenda niya ang pagtanggal sa akin sa trabaho kapag nakipag-break ako.

Ano ang gagawin ko?

Gumagalang,

Lorie

Dear Lorie,

Walang dahilan para alisin ka niya sa trabaho kung ginagampanan mo nang maayos ang iyong tungkulin. Huwag kang matakot. Kung ayaw mo sa kanya ay wala siyang magagawa.

Kapag tinuloy niya ang balak niya, magsampa ka ng complaint sa Department of Labor at naniniwala akong hindi siya papanigan sa illegal dismissal na gagawin niya.

Dr. Love

ANO

DEAR LORIE

DEPARTMENT OF LABOR

DR. LOVE

GUMAGALANG

HANGGANG

HUWAG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with