Kilalanin mo muna
Dear Dr. Love
Pleasant greetings to you. Ako po si Tanya, 18 anyos at isang saleslady sa isang maliit na puwesto na nagtitinda ng cellphone at gadgets sa isang mall.
Dito ko nakilala si Ramir, 30-anyos. Bumili siya ng tablet na nagkakahalaga ng P12-K at ibinalik niya kinabukasan na galit na galit siya dahil sira raw agad.
Pinalitan ko ito ng ibang unit pero galit pa rin siya at kung anu-anong masasakit na salita ang pinagsasabi.
Inis na inis ako sa kanya at ang first impresyon ko ay salbahe siya.
Pero kinabukasan ay bumalik siya at may dalang imported na chocolate candies na nakakahon at ibinigay sa akin kasabay ng pagso-sorry sa kagaspangan ng ugali niya.
Nakipagkilala siya sa akin pero inis pa rin ako. Hindi ko tinanggap ang alok niyang candy kaya umalis siya.
Paulit-ulit siyang bumalik sa aming puwesto at dahil dito’y nabagbag ang damdamin ko at pinatawad ko siya.
Ngayon ay nanliligaw siya sa akin at parang nadarama ko na nahuhulog ang kalooban ko sa kanya.
Dapat ba akong makipagrelasyon sa kanya?
Gumagalang,
Tanya
Dear Tanya,
Una sa lahat ay kilalanin mo ang pagkatao niya. Binata ba siya? Huwag kang aasa sa kanyang salita na binata siya. Maging matalino ka at mag-imbistiga.
Nakilala mo lang siya sa mall at hindi mo batid ang kanyang pinagmulan. Baka mapasubo ka riyan dahil posibleng isa lang siyang mapagsamantalang bohemyo.
Dr. Love
- Latest