‘Wala lang’ pero meron pala
Dear Dr. Love,
Matagal ko nang crush ang best friend ng kuya ko, Dr. Love. Kaya nga halos lahat ng paraan para makasingit sa usapan nila o kaya ay kunyaring magpapatulong sa math homework ay nagawa ko na para lang mapansin ako ni Ernie. Pero parang “wala lang” ako sa kanya.
Mabilis na lumipas ang panahon, akala ko ay kasama na ring lilipas ang pagka-crush ko kay Ernie pero nagkamali ako. Dahil nang magkita kami, sa kasal ng aking kuya kung saan siya ang best man. At dahil best friend ko ang bride, ako ang bride’s maid, crush ko pa rin pala siya. Pero dedma pa rin siya sa akin, nagbeso siya sa mommy at ate ko pero sa akin, “wala lang.”
Pero isang hindi inaasahan ang nangyari, duty ako noon sa isang ospital nang makita ko siya sa lobby. Nasa surgery ward daw ang uncle niya at dadalawin niya ito.
Akala ko, “wala lang” na naman. Pero maya-maya pa ay tinanong na niya kung pwede kaming mag-dinner.
Kinabukasan, matapos ang dinner na ‘yun, Dr. Love ay mistulang umulan ng rosas na padala ni Ernie. Napakasaya ko nang araw na ‘yun. Pagkalipas ng isang buwan ay ikinasal na kami.
Nadiskubre ko na si kuya pala ang nagsabi na crush ko siya. Nalaman ko rin na matagal na rin pala siyang nagpipigil sa kanyang feelings para sa akin.
Maligaya po kaming nagsasama hanggang sa kasalukuyan, kapiling ang dalawa naming anak.
Maraming salamat po sa pagbibigay daan ninyo sa sulat ko.
Gumagalang,
Suzette
Dear Suzette,
Minsan talaga akala natin “wala lang” pero meron pala. Salamat sa pagtitiwala mo sa ating column para ibahagi ang very inspiring love story n’yo ng husband mo. Kasama kami sa panalangin, magpatuloy na lumago at maging masaya ang inyong mag-anak.
DR. LOVE
- Latest