^

Dr. Love

Masakit na katotohanan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Kumusta, Dr. Love? Tawagin mo na lang akong Weena. Limang tao na kaming kasal ng mister ko. Sa unang tatlong taon ay walang problema sa aming relasyon.

Ang hindi ko maintindihan ay sa ikaapat na taon namin ay bigla siyang naging ma­lamig, nawalan ng gana sa pakikipagtalik. Inakala kong dahil ‘yun sa trabaho, pagod dahil sa tambak na paper works bilang accountant.

Hanggang sa may mabalitaan ako sa isang kaibigan na may babae raw ang aking asawa. Hindi ako naniwala dahil magkatabi kami lagi sa gabi at nagkakawalay lang kapag nasa trabaho siya. Pero sa isa pang pagkakataon ay kamag-anak ko naman ang nag­sabi na may kasamang babae ang asawa ko at pumasok sa isang hotel sa Tagaytay.

Natatakot akong magtanong at baka ma­laman ko ang masakit na katotohanan. Ano ang gagawin ko?

Weena

Dear Weena,

Sa ganyang situwasyon, dapat ihanda mo ang iyong sarili. Magpakatatag ka sa ano mang malalaman mo. Sa kabila ng lahat, wala ka pang kumpirmasyon kung talagang may babae nga ang asawa mo. Eh kung isang kliyente lang ang babaeng kasama niya sa Tagaytay?

Kaya para magkaintindihan, tanungin mo siya pero magpakahinahon ka.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR WEENA

DR. LOVE

INAKALA

KAYA

KUMUSTA

LIMANG

TAGAYTAY

WEENA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with