^

Dr. Love

May boyfriend ang girlfriend niya

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Sweet greetings to you. Sana ay mapa­unlakan mo ang sulat kong ito. Tawagin mo na lang po akong Tom, 21 years old. Nais ko rin pong humingi ng payo sa inyo tulad ng iba na sumusulat sa iyo.

Mayroon akong isang friend. Tawagin mo na lang siyang Shay. Mayroon nang boyfriend si Shay samantalang ako ay wala pang girlfriend.

Ganito po ang nangyari kung papaano kami nagkakilala ni Shay. Nagkakilala kami dahil sa isang kaibigan namin. Noon ay biruan lang ang nangyari sa amin pero habang tumatagal nai-in-love po ako sa kanya.

Nag-propose ako sa kanya. Laking saya ko nang sagutin niya ako na mahal din niya ako.

Pero hindi pa niya bini-break ang boyfriend niya. Hindi ko siya mapagsabihang makipag-break na siya dahil iginagalang ko ang damdamin niya. Mahal din daw niya ako at ramdam ko po ‘yun. 

Ang tanong ko lang po, Dr. Love dapat ko na po bang iwasan o ibaling sa iba ang pagmamahal ko kay Shay o maghihintay ako sa kanya? Willing naman po akong maghintay sa kanya kung sakali dahil mahal ko naman po talaga siya.

Tom

Dear Tom,

Kung sinagot ka na niya, hindi na siya puwedeng makipagrelasyon sa iba. Dapat talaga mamili siya.

At ikaw ang magsasabi nun sa kanya dahil girlfriend mo na siya. Ang lagay ba naman eh may relasyon kayo, tapos patuloy ang pakiki­pagrelasyon niya sa ibang lalaki?

Masyado ka namang dakila kung gayon.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DAPAT

DEAR TOM

DR. LOVE

GANITO

MAYROON

NIYA

TAWAGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with