^

Dr. Love

Happy naging lonely

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo at sa lahat ng masugid na sumusubaybay sa iyong bantog na column­. Tawagin mo na lang akong Juno.

Dati po akong masayahing tao at palabiro. Sa tuwing nagkakaumpukan kami ng aking mga kaibigan, lagi akong maraming joke na sini-share.

Palagi akong center of attraction sa ano mang pagtitipon noon.

Ako ay isang call center agent at binata pa hanggang ngayon. Ganito ang naging kasaysayan ko. Marami ang naninibago sa akin dahil nagbago ang ugali ko. Laging malungkot at wala nang mga jokes.

It all started nang ma-employ sa amin si Jenjen­. Maganda siya at na-love at first sight ako. Nang magsimula akong dumiskarte sa kanya ay parang winasak ang aking dibdib. Magdadalawang buwan na pala siyang kasal. May asawa na ang mahal ko. Sa katunayan, buntis na pala siya.

Magmula noon ay nagbago ang aura ko. Hindi­ na ako ang dating masayahing tao.

Tulungan mo sana ako kung ano ang ga­gawin ko para mabura sa isip ko ang babaeng mina­mahal ko.

Juno

Dear Juno,

Sa ayaw mo at sa gusto, kailangan mo siyang limutin. Ang problema, lagi kayong nagkikita dahil kasamahan mo siya. Baka puwedeng magpalipat ka ng schedule para hindi na kayo magtatagpo.

Hindi ko alam kung paano mo siya malilimutan ngunit kailangan mong gawin ito. Kung sa papaanong paraan hindi ko alam. May asawa na siya at hindi mo naman siya puwedeng agawin sa kanyang mister.

Marami namang babae riyan kaya ibaling mo ang pag-ibig mo sa iba.

Dr. Love

DATI

DEAR JUNO

DR. LOVE

GANITO

JENJEN

LAGING

MAGANDA

MAGDADALAWANG

MARAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with