^

Dr. Love

Kahibangan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa ako sa regular na bumabasa ng inyong malaganap na column. Ako po ay merong asawa at 4 na anak diyan sa Pilipinas. Itago n’yo na lang ako sa pangalang Albert.

Isa akong OFW na nagtatrabaho sa Germany. Dito nakilala ko si Alice, isa ring Pinay na nagtatrabaho sa kompanyang pinag­liling­kuran ko.

Noong una ay friends lang kami. Hindi ko naisip na magkakaroon kami ng relasyon.  Pero habang nagtatagal ay nararamdaman kong nagkaka-interes ako sa kanya. Dito na nagsimula ang bawal naming relasyon. Naging mag-on kami.

Sa kabila ng ipinagtapat ko sa kanya na may pamilya ako, iniibig pa rin niya ako.

Pero may bagay akong nabalitaan na ikinasugat ng damdamin ko. Nakikipagtagpo rin siya sa ibang lalaki. Kinumpronta ko siya para malaman kung totoo. Sabi niya’y may naninira lang sa kanya. Dr. Love, mahal ko ang babaeng ito at kahit nagsisinungaling siya ay ayaw kong mawala siya sa akin. Tulungan mo ako.

Albert

Dear Albert,

Tumigil ka sa kabaliwan mo. May asawa ka at mga anak, ipagpapalit mo ba sa isang babaeng nagtataksil din sa iyo?

Kahit saang anggulo silipin, walang tama sa ginagawa mong kataksilan. Mag-isip-isip kang mabuti at itigil mo ang iyong kahiba­ngan. Hindi ko maisip kung paano mo ma­ipagpapalit sa pamilya mo ang isang babaeng hindi tapat sa iyo.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DEAR ALBERT

DITO

DR. LOVE

ISA

ITAGO

KAHIT

KINUMPRONTA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with