Hindi mahiwalayan
Dear Dr. Love,
Sa totoo lang ay marami na akong hiniÂngan ng payo sa heart problem ko pero hindi pa rin ito malutas. Pare-pareho kasi ang sinasabi nila sa akin. Bagay na napakaÂbigat gawin para sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit nagpasya na akong sumulat sa inyo.
Tawagin mo na lang akong Merle, 19 anyos getting 20 sa susunod na buwan. At ang problema ko po ay tungkol sa aking boyfriend na natuklasan kong may asawa na.
Kahit nalaman ko ito, bagama’t nasakÂtan ako ay hindi ko siya mahiwalayan dahil mahal ko siya. Lagi pa rin kaming nagÂde-date because I love his company at maÂmamatay ako kung mawawala siya.
Pero naiisip ko rin ang aking kalagaÂyan. Paano kung mabuntis ako? Payo ng mga close friends ko ay makipag-break na ako sa kanya pero hindi ko magawa.
Sabi kasi niya na mahal na mahal niya ako at magpapakamatay siya kapag iniwanan ko siya. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag nagkalayo kami.
Ano ang gagawin ko? Tulungan mo po ako Dr. Love dahil napakabigat ng aking problema.
Merle
Dear Merle,
Bakit ka pa humihingi ng payo kung hindi mo pala siya kayang hiwalayan sa kabila ng lahat?
Ang payo ko ay tulad din ng payo ng mga kaibigan mo. Makipaghiwalay ka. ‘Yun ang pinakatama at matinong desisÂyon na magagawa mo.
Magpapakamatay siya? Bahala siya sa buhay niya. Isipin mo na unang-una, labag sa batas ng tao at ng Diyos ang ginawa ninyong dalawa. Sino ba ang mahalaga sa iyo, ang boyfriend mo o ang Diyos?
Tama ka. Paano kung mabuntis ka? Lalong lalaki ang problemang pasan mo.
Kaya magdesisyon ka ng tama habang maaga.
Dr. Love
- Latest