Driver in-love sa amo
Dear Dr. Love,
Mapagpalang pagbati sa iyo, Dr. Love. Tulad ng iba, may problema rin ako sa puso na ibig kong isangguni sa iyo. Mangyaring itago mo na lang ako sa pangalang Brix, isang family driver.
Kahit driver lang ako, hindi ko ikinahihiya ito. Wala akong mapapasukang ibang trabaho dahil sa baba ng aking pinag-aralan.
Ang suweldo ko ay P15,000 kada buwan.
Ang problema ko ay na-in love ako sa anak ng aking amo na lagi kong inihahatid sa paaralan. Mabait siya at palabiro din at hindi siya isnabera sa isang katulad kong namamasukan lang sa kanila.
Lagi rin siyang maalalahanin sa akin at kapag sinusundo ko siya sa pamantasan ay lagi siyang may nakabalot na pagkain para sa akin. Magkasabay din kaming kumain ng hapunan sa bahay nila.
Hindi ko alam kung ang ipinakikita niyang kabaitan ay nangangahulugang mahal niya ako. Dapat ba akong umibig sa amo? Tulungan mo ako.
Brix
Dear Brix,
Parang telenovela ang istorya mo, Brix. Heto lang ang masasabi ko: Kung binata ka at dalaga siya, walang masama kung maÂging magkasintahan kayo.
Pero sa palagay mo ba’y mahal ka niya o nabibigyan mo lang ng maling kahulugan ang ipinakikita niyang kabaitan? Baka kasi kaya nahuhulog ang loob mo sa kanya ay dahil sa ipinakikita niyang kabaitan na napagkakamalan mo lang na pag-ibig.
Isa pa, ano sa palagay mo ang magiÂging reaksyon ng mga magulang niya kung magkakaroon kayo ng relasyon?
Medyo hirap akong magbigay ng payo pero kung tapat ang nararamdaman mo para sa kanya, eh ‘di ligawan mo siya.
Dr. Love
- Latest

















