^

Dr. Love

Pusturyosang asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalaga pa lang ako ay nakagawian ko na ang pumustura, kaya lalo ko itong pinagtuunan nang magkaroon ako ng trabaho. Isa na akong public relation officer ngayon ng malaking chain of stores sa Metro Manila.

At masasabi ko po na bukod sa performance, may malaking tulong ang gumayak ng maayos para ma-promote. Ilang beses na po ito nangyayari sa akin. Kada sweldo ay nagtatabi po ako ng budget para makabili ng mga “in” na attire.

Ang problema ko po ay hindi maintindihan ng asawa ko ang tungkol sa pagpustura ko. Ang nakakaloka pa po, Dr. Love maging ang biyanan kong babae ay nagsasalita rin ng hindi maganda laban sa aking pananamit.

Mahal ko po ang asawa ko, maging ang dalawa naming anak. Matatanggap ko po sana ang pagpuna niya sa aking pagpustura kung napapabayaan ko siya at maging ang aming mga anak.

Ang totoo, kasama po talaga siya sa aking clothing budget. Pero simula nang nalaman ko na ibinibigay niya sa kanyang kapatid ang mga binibili kong damit para sa kanya ay itinigil ko na po.

At isa pa, hindi ko naman sa kanya kinukuha ang pambili ko ng damit, make up at iba pang kailangan ko. Sariling kayod ko po ito. Ayaw ko po pagmulan ng awayan naming mag-asawa ang tungkol sa bagay na ito.

Ang sabi ng asawa ko, napakarami ko ng mga damit. Kahit na hindi na uso ay pwede ko pa rin daw gamitin para makapagtrabaho. Pero kasama po sa bentahe ko sa aking trabaho ay ang magdamit ng tama at katanggap-tanggap sa mata ng marami.

Ang payo sa akin ni mommy ay huwag na lang pansinin ang aking biyanan at ang asawa ko, dahil maaaring hindi lang nito matanggap na mukha pa rin akong dalaga.

Dapat ko na bang palampasin ang mga pamumunang ito ng aking mister? Dapat ko ba siyang sundin sa gusto niyang mangyari?

Gumagalang at nagpapasalamat,

Shiela

Dear Shiela,

Makakatulong para hindi kayo magbangayan ay palampasin mo na lang. Pero sikapin mo na humanap ng pagkakataon na unti-unti ay ipaliwanag sa kanya ang nature ng iyong trabaho. Tiyakin mo na masamahan ito ng paglalambing. Maaari kasi na sa sobrang abala mo ay nagpapansin na ang asawa mo sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

AKING

ASAWA

AYAW

DAPAT

DEAR SHIELA

DR. LOVE

GUMAGALANG

METRO MANILA

PERO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with