^

Dr. Love

Naniwala sa bola

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang pinagpalang araw sa iyo. Tawagin mo na lang akong Feny, 26-anyos at naglilingkod bilang kasambahay dito sa Makati.

Ang suliranin ko ay tungkol sa manliligaw ko na anak ng aking amo.

Kararating lang niya galing sa Amerika at isang buwan lang siya rito sa Pilipinas, babalik na sa US.

Sabi niya sa akin ay mahal niya ako at isasama ako sa Amerika. Dahil dito’y nahulog ang loob ko sa kanya at naibigay ko ang aking sarili. Hindi na rin ako virgin dahil nagkaroon na ako ng ka-live-in noon.

Ako po ay 17-anyos pa lang nang ma­wala ang pagkadalaga, ni-rape po ako ng manliligaw ko noon.

Naniwala ako sa pangako ng anak ng amo ko pero nalaman ko na lang, base sa kanilang usapan na may asawa na pala siya. Kinompronta ko siya at tumawa lang siya at sinabing bakit daw ako nagpabola sa kanya?

Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Feny

Dear Feny,

Tama ang sinabi ng anak ng amo mo. Bakit ka nagpaloko? Naririyan na iyan at hindi na mababago ang mga nangyari na. Sana ay magtanda ka na lang.

Kung may pagpapahalaga ka sa iyong pagkababae ay hindi mo dapat agad-agad isinusuko ang iyong pagkababae kahit pa ang pangako’y dadalhin ka sa langit.

Masakit talaga para sa babae ang maloko nang ganyan pero palampasin mo na. Wika nga, charge to experience. Hindi ka naman puwedeng magdemanda ng rape dahil ipinaubaya mo ang iyong katawan sa lalaking nais umangkin sa iyo.

Next time, maging matalino ka para huwag maloko.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

AMERIKA

BAKIT

DAHIL

DEAR FENY

DR. LOVE

FENY

LANG

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with