^

Dr. Love

Paano kung huli na ang lahat?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Naging pangkaraniwan na sa akin ang pagpapaubaya sa tuwing may mga babae sa paligid na nagpapakita ng motibo, nakasanayan na rin ito ng aking asawa. Dahil ilang ulit ko na silang iniiwan para mangibang bansa kasama ng aking­ flavor of the month.

Kadalasan, kapag nagkasawaan na ay babalik na rin ako sa aking pugad. Naroon ang asawa kong si Bella, naghihintay sa pagbabalik ko at laging handang magpatawad.

Kauuwi ko lang uli sa aming bahay, galing abroad matapos ang lahat sa amin ni Melissa. Dinatnan ko ang 2-years old kong anak, si Meynard. Hinanap ko agad ang aking asawa pero wala pa raw sabi ng yaya ng anak ko. Kaya nakipaglaro muna ako sa bunso ko hanggang sa antukin siya. Dinala ko siya sa kanyang kuwarto bago ako dumiretso sa aming master’s bedroom para maligo saka matulog.

Hindi ko inaasahan ang bumulaga sa akin, Dr. Love. Basang brief ng lalaki, pabango, lotion, maging electric shave na hindi naman sa akin. Nakaramdam ako ng matinding kurot sa puso, dahil malinaw na may ibang kasiping ang asawa ko.

Tinotoo na niya ang huling banda kung hindi ako titigil kay Melissa, na mararamdaman ko lang ang sakit na idinudulot ko sa kanya kapag dumating­ na ang sandaling madala na siya ng tukso­. Masakit pala, Dr. Love. Malamig na malamig na ang asawa ko sa akin. Dahil anumang sandali ay nakahanda siyang hiwalayan ako, ang naki­lala niya raw ay hindi mapaglaro at hindi siya iiwan. Ang lalaking ‘yun ang kinikilalang ama ni Meynard­ habang ako na madalang niyang makita ay uncle­ sa mata ng aking anak.

Wala na pala akong babalikan sa ilang taong pagsasama namin ni Bella, nagsawa na ang aking asawa at ayaw nang maniwalang magbabago na ko. Huli na ang lahat.

Gumagalang,

Victor

Dear Victor,

Wala ka pang ginagawa, sumusuko ka na. Sa abot ng iyong makakaya ay ipakita at iparamdam mo sa iyong asawa na sa pagkaka­taong ito ay tunay na ang hangad mong pagbabago. Kung ito ang talagang gusto mo, lahat ng paraan magagawa mo para maisalba ang pamilya mo.

DR. LOVE

 

vuukle comment

AKO

ASAWA

BELLA

DAHIL

DEAR VICTOR

DR. LOVE

MEYNARD

SHY

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with