Paborito ni Prof.
Dear Dr. Love,
Ako po ay estudyante, sweet sixteen ika nga. Ipinagtataka ko po sa sarili ko, hindi sa mga kaedad ko ako nagkakaroon ng interest kundi sa mga may edad na lalaki, na alangan na maging tatay o lolo ko.
Naisip ko baka naghahanap lang ako ng father figure dahil wala akong kinalakihang daddyÂ. Single parent ang mommy ko. Ang sabi sa akin ng mga lolo at lola ko, namatay sa engÂkwentro ang aking ama, na isang sundalo.
Sa unibersidad na pinapasukan ko, agad kong nakagaanan ng loob ang bagong professor, si Prof. Tayag. Malapit talaga ako sa kanya, na hindi ko maipaliwanag. Nagiging tampulan tuloy ako ng tukso ng mga classmate ko dahil teacher’s pet daw ako.
Dr. Love hindi ko po akalain na ang pagkamalapit kong ito sa aking professor ang magiging daan para mabuo ang aking pamilya. Nang minsan sabihin ni Prof. na gusto niyang duÂmalaw sa bahay at makilala ang mommy ko, excited akong sabihin ito.
Nagkita sila at nang kamayan ni Prof. Tayag ang mommy ko, sinabi niya ang palayaw ni mommy…Malous, Maria Lourdes kasi ang buong pangalan ni mommy. Magkakilala pala sila. Hindi ko natiis na pakinggan ang pag-uusap nila, sinabi ni mommy na ako ang anak nila. Inilihim pala niya dahil ayaw makapangasawa ng sundalo. Ang kagaanan ko pala ng loob kay prof. ay lukso ng dugo.
Ngayon po ay inihahanda ang kasal nila at siyempre ako po ang bride’s maid ng mommy ko. Masaya po ako dahil buo na ang pamilya ko.
Salamat po sa pagbibigay ninyo ng pagkakataon sa sulat ko.
Gumagalang,
LORNA
Dear Lorna,
Salamat din sa pagtitiwala mo sa magandang istorya ng pamilya mo. Kung minsan maraming pasikut-sikot ang buhay pero tunay na hindi pa rin mababago ang itinakda sa pagkabuo ng isang pamilya.
Masaya kami para sa iyo Lorna at kasama mo kami sa panalangin na magpatuloy ang kaligayahan sa iyong buong pamilya. God bless at best wishes sa parents mo.
DR. LOVE
- Latest