^

Dr. Love

Depressed ang anak

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isa ako sa milyun-milyon mong readers at madalas akong makapulot ng aral sa mga kasaysayan na nababasa ko lalo na sa iyong makabuluhang payo.

Sana ay datnan ka ng sulat kong ito na nasa mabuting kalagayan at kalusugan.

Ako si Hazel Tirona, 45-anyos at isang ina sa aking 19-anyos gulang na anak. ­Single parent po ako.

Matalino at scholar ang anak ko sa isang pamantasan pero simula noong isang taon ay bumaba ang kanyang mga marka kaya natanggal ang kanyang scholarship.

Sa kauusisa ko sa kanya bilang nagmamalasakit na ina, nalaman ko na ang dahilan nito ay ang pakikipag-break sa kanya ng kanyang nobyo.

Lagi siyang balisa at hindi makapag-concentrate sa pag-aaral. Ano ang gagawin ko?

Hazel

Dear Hazel,

Lalo niyang higit na kailangan ang iyong  paglingap. Alalayan mo siya sa pama­magitan ng mga motivational words na magbibigay sa kanya ng pag-asa.

Marahil mahihirapan na siyang ma­kabalik sa scholarship pero hindi naman imposible kung maaagapan mo ang kanyang depresyon.

Mamasyal kayong mag-ina para lumayo ang kanyang pag-iisip sa kanyang problema. Isalaysay mo sa kanya ang iyong mga naging problema din noon at kung papaano mo napaglabanan. Gawin mong model ang iyong sarili para ipakita mo na isa kang overcomer na dapat niyang pamarisan.

Dr. Love

 

ALALAYAN

ANO

DEAR HAZEL

DR. LOVE

GAWIN

HAZEL TIRONA

ISA

ISALAYSAY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with