^

Dr. Love

Nambabae kaya nilayasan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Masayang pagbati sa iyo pati na sa mga bumubuo ng Pilipino Star NGAYON.

Tawagin mo na lang akong Fred, 37-anyos. Ang problema ko ay ang pag-aaway naming mag-asawa.

Mahal ko ang aking misis at siya ang lahat sa buhay ko. Pero ako ay lalaki na nagkakasala rin.

Natuklasan niya ang aking lihim na relasyon sa aking sekretarya sa opisina.

Nilayasan niya ako kasama ang aming dalawang anak, kaya sising-sisi ako sa aking ginawa.

Dalawang linggo na silang nasa probinsya at hindi ko alam ang aking gagawin.

Nakipag-break na rin ako sa aking number two na nag-resign na dahil sa sama ng loob.

Dalawa silang nawala sa akin. Ano ang gagawin ko?

Fred

Dear Fred,

Magpakumbaba ka, puntahan mo saan man naroroon ang misis mo at humingi ka ng tawad.

Sabi mo mahal mo ang misis mo pero bakit mo siya pinagtaksilan? Naririyan na iyan kaya harapin mo ang konsekwensya ng iyong nagawa.

Hingin mo ang kapatawaran ng iyong misis­. Iyan ba ang unang pagkakataong nagtaksil ka sa kanya? Kung maraming ulit na, baka hindi ka na patawarin ng asawa mo.

Kaya kung patatawarin ka niya, magbago ka na Fred. Maging tapat ka sa iyong asawa.

Dr. Love

 

AKING

ANO

DALAWA

DALAWANG

DEAR FRED

DR. LOVE

HINGIN

IYAN

PILIPINO STAR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with