Pakakasal ba sa anak o sa ina?
Dear Dr. Love,
Nang nakalugmok ako at halos maging patapon ang buhay, si Mina ang naging matibay na lubid na humatak sa akin para makaahon.
Nalulong ako noon sa casino at dahil sa pagkakautang na hindi nabayaran ay ipiÂnabugbog ako ng casino financier. Duguan ako nang makita ni Mina at ng kanyang driver. Dinala niya ako sa ospital. Sinagot niya lahat ng bills hanggang sa gumaling ako nang tuluyan.
Kinupkop niya ako at pinatira sa kanyang condo. Sinagot niya rin ang mga nadispalko kong pera at suportado ako sa aking pag-aaral ng abogasya. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanya.
Sa lahat ng nagawa niya sa akin, ang tanging pakiusap niya ay maging ama ako sa ipinagbubuntis ng kanyang anak na si Mia. Tutol po ang anak niya sa ideyang ito.
Pero hindi iyon ang gumugulo sa isip ko, Dr. Love. Nahuhulog po ang loob ko kay Mina dahil sa sobrang kabutihan niya sa akin. Hindi po mawala sa isip ko na gusto ko siyang pakasalan kahit pa hindi payag ang papang ko. Dahil malayo ang agwat ng aming edad. Tama po ba na isapalaran ko ang kinabukasan ko kay Mina? PagpaÂyuhan po ninyo ako. Maraming salamat.
Gumagalang,
Nick
Dear Nick,
Walang karapat-dapat na maging dahilan ng pagpapakasal kundi ang pagmaÂmahal. Kaya kung hindi ito ang konsideÂrasyon mo ay huwag mong gawin. Pero kung sigurado ka na mahal mo siya, hindi ako naniniwalang hadlang ang malaking agwat ng edad. Kaya go for it.
DR. LOVE
- Latest