^

Dr. Love

Taksil

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hi and hello to you. May two years na rin akong reader ng iyong column at nakakapulot ako ng mga magagandang aral sa mga payo mo.

Tulad ng iba, hihingi rin sana ako ng payo. Tawagin mo na lang akong Annalyn, 27-anyos at wala pang asawa.

Naging bitter kasi ako sa una kong karanasan sa aking first love na naging kasintahan ko for three years. Nagtaksil siya sa akin at nagpakasal sa iba.

Marahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay masyado ko itong dinamdam at ang pagmamahal ay naging matinding galit.

Dahil dito’y naging playgirl ako. Ang mga manliligaw ko ay sinasagot kong lahat pero makikipag-break ako after one or two weeks.

Parang feeling of revenge ang nadarama ko kaya ang sakit na nadama ko sa aking unang kasintahan ay naipadarama ko sa iba.

Ayokong manatili ang ganitong kaisipan sa akin. Paano ko mapapawi ang damdaming ito?

Gumagalang,

Annalyn

Dear Annalyn,

Ang kasalanan ng iyong kasintahan noon ay hindi kasalanan ng ibang lalaki. Kaya nagiging unfair ka sa ginagawa mong iyan.

Ibaon mo na sa limot ang mga pangyayari at magsimula kang muli. Open your heart at hanapin ang lalaking mamahalin mo at magmamahal din sa iyo.

Tinitiyak ko sa iyo na hindi pare-pareho ang mga lalaki. Makakatagpo ka rin ng dalisay at tapat kung magmahal.

May kasabihang it’s better to have loved and lost than never to have loved at all.

Dr. Love

vuukle comment

ANNALYN

AYOKONG

DAHIL

DEAR ANNALYN

DR. LOVE

GUMAGALANG

IBAON

KAYA

MAKAKATAGPO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with