^

Dr. Love

Lulong sa sugal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ipinararating ko sa iyo ang isang maalab na pagbati. Lagi akong nagbabasa ng iyong column at kulang ang araw ko kapag hindi ko natunghayan ito.

Tawagin mo na lang akong Merle, 28-anyos at problema ko ang aking asawang sugarol.

Limang taon na kaming kasal at may dalawang anak. Nagulat na lamang ako na ang titulo ng bahay at lupa namin ay nakasanla na at ito’y nang tumanggap ako ng notice na mareremata na ito.

Kaya pala pati ang mga alahas niya na regalo sa kanya ng aking mga magulang ay isa-isang nawawala. Lagi pala siyang laman ng casino.

Ano ang dapat kong gawin?

Merle

Dear Merle,

Ang pagkalulong sa sugal ay para ring pag­kagumon sa droga.

Maaaring nangangailangan ng professional­ help ang mister mo. Tulad din ng mga lulong sa alak, droga at iba pang bisyo, kailangan sa mister mo ang rehab.

Bago iyan, sumangguni ka munang mag-isa sa sino mang clinical psychologist o psychiatrist para malaman ang tamang approach sa paghimok sa kanyang magpapa-rehabilitate.

Dr. Love

ANO

DEAR MERLE

DR. LOVE

IPINARARATING

KAYA

LAGI

LIMANG

MAAARING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with