^

Dr. Love

In-love si Lola

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love, 

Ako po ay isang 62-anyos na balo, ang pi­nag­kakaabalahan ko ay ang pagga-gardening at pag-aalaga ng aking tatlong apo, hindi ko po akalain na darating pa sa akin ang muling ma-excite dahil sa pag-ibig.

Bata ng 15 taon sa akin si Manuel, isang binata na bagong lipat sa aming lugar. May-ari siya ng junkshop kung saan ako minsang nakapagbenta ng mga plastic na bote, lumang mga karton at dyaryo, kaya kami nagkakilala.

Nakatawag pansin sa akin ang maganda niyang disposisyon sa buhay. Masipag at masayahin  tulad ng mga katangian ng nasira kong esposo.

 Hindi pa raw ako mukhang lola dahil walang puting buhok, petite at batang-bata pa ang kutis. Sa pagkukwentuhang iyon ay inalok niya akong makisosyo sa kanyang livelihood para maka­paglibang aniya at may pagkakitaan kahit nasa bahay.

Tinutulan ito ng aking panganay na anak dahil hindi ko raw kilala ng lubos si Manny at maaring ang puntirya lang nito ay ang tubo sa maipupuhunan ng gaya kong walang muwang sa negosyo.

Nang ipagtapat ko naman sa best friend kong si Issa ang pagpapalipad hangin ni Manny, pinayuhan naman niya akong manahimik, huwag ko raw guluhin ang buhay ko sa relasyong walang kahihinatnan. Dahil bihira na ang ikalawang glorya sa gurang na katulad ko.

Pagpayuhan po ninyo ako kung alangan nga kayang umibig muli ang isang katulad ko, lalo na sa mas bata sa akin?

Gumagalang,

Aling Doring

Dear Aling Doring,

Totoong madalas ay nagiging “sugar mommy” ang mga may edad na may karelasyong mas bata, pero sa pagkakaroon ng interes sa iyo ng bagong kapitbahay ay baka mas malala pa ang kahinatnan mo kung kakagat ka sa magaganda niyang salita.

Hindi naman masama ang umibig, nanini­wala akong wala ‘to sa edad pero mahalagang­ hindi lang puso kundi maging ang isip ay ma­gamit natin sa pagpasok sa pakikipagrelasyon. To be safe, kilalanin mo muna nang husto ang kapitbahay mo at huwag kang padala sa pang-uuto niya sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

ALING DORING

BATA

DAHIL

DEAR ALING DORING

DR. LOVE

GUMAGALANG

ISSA

MANUEL

MASIPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with