^

Dr. Love

Aanakan ang iba

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Marcial, 42 anyos at ang asawa ko ay 36. Sa loob ng aming­ pitong taong pagsasama ay wala pa kaming anak.

Nang magpasuri kami sa doktor, nalaman namin na siya ang may diprensya. Kung ako lang ay okey lang na wala kaming anak. Pero masyadong nalulungkot ang misis ko.

Sabi niya, puwede raw akong magkaanak sa iba kung gusto ko at ito’y aampunin na lang namin. Kung ako ay ayaw ko dahil sa isyung moralidad na nakapaloob dito.

Misis ko ang pursigido. Kinausap niya ang aming kasambahay na babayaran niya ng 50 libong piso kung maanakan ko. Palibhasa’y mahirap lang, napapayag ang aming katulong. Para sa kanya ay malaking bagay ito.

Ano ang dapat kong gawin para maiwasan ko ito na hindi nagdaramdam ang asawa ko?

Marcial

Dear Marcial,

Tama ka. Mali at immoral ang gagawin mo kahit pa may pahintulot ng iyong misis.

Sa Biblia ay may pangyayaring sinipingan ni Abraham ang kanilang katulong dahil baog ang kanyang asawang si Sarah.

Pero iyan ay sa panahon ng Lumang Tipan at sa ilalim ng Bagong Tipan, itinatagubilin sa atin ng Diyos na maging tapat sa ating mga kabiyak.

Puwede naman kayong mag-adopt kung iibigin ninyo bagama’t sasabihin marahil ng misis mo ay mas gugustuhin niya ang laman ng kanyang laman at dugo ng kanyang dugo.

Kumunsulta muli kayo sa doktor at baka may maipayong paraan para ma-correct ang depekto sa iyong asawa.

Dr. Love

ANO

BAGONG TIPAN

DEAR MARCIAL

DR. LOVE

LUMANG TIPAN

MARCIAL

PERO

SA BIBLIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with