^

Dr. Love

Hindi na nakaiwas sa usapang kasal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Malapit na po akong magtrenta anyos pero hindi pa ako nakakaisip mag-asawa. Mayroon naman akong nobyo pero iniiwasan kong mapag-usapan namin ang tungkol sa kasal.

Pareho kaming may matatag na trabaho ni Romulo kaya kung tutuusin ay masasabing handa na kami sa pagpapamilya, nga lang ay hindi ko magawang iwanan ang aking mga magulang at hayaan na sarilihin nilang balikatin ang pag-aaruga sa tatlo kong pamangkin.

Maagang sumakabilang buhay ang aking kapatid dahil sa cancer, na kanilang ina at ang ama naman nila ay naging mabisyo kaya kinuha ng mga magulang ko ang mga bata. Ako na lang ang single sa aming limang magkakapatid, kaya mas nakakatulong ako kina tatay at nanay sa mga pangangailangan ng mga bata. Sa edad ng aking mga magulang ay kumakayod pa rin sila sa palengke.

Ayaw ko naman po maging unfair sa aking­ magiging asawa at kanyang pamilya kaya sakaling hindi na makapaghihintay si Romulo ay nakahanda na rin akong pakawalan siya. Pero kabaliktaran po ng inaasahan ko ang nangyari. Dahil mas makakatulong daw kami sa sandaling ikasal dahil dalawa na kaming mag-aambag sa aking mga magulang.

Payuhan mo po ako, Dr. Love dahil nang sabihin ko kay nanay na mamanhikan na sila Romulo ay hindi siya nakasagot. Salamat po at more power.

Gumagalang,

Adela

Dear Adela,

Marahil dala lang ng pagkabigla sa hindi inaasahang mas nalalapit palang pagkaka­taon ang pamamahikan kung kaya hindi agad nakasagot ang iyong nanay. Subukan mo siyang lambingin para payapain ang kanyang kalooban, na gaya ng usapan ninyo ng iyong boyfriend o soon-to-be husband ay hindi mo sila pababayaan.

Natitiyak ko na hindi naman tututulan ng iyong mga magulang ang pagkakaroon mo na ng konsiderasyon para sa sarili mong kaligayahan dahil nagkakaedad ka rin naman na.

DR. LOVE

ADELA

AYAW

DAHIL

DEAR ADELA

DR. LOVE

ROMULO

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with