^

Dr. Love

Intimacy sa dating?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Katatapos ko lang mag-debut. Nag-pro­mise ako sa boyfriend ko na makiki­pag-date na ako sa kanya pagka-18 ko at may sense of maturity na.

Lumalabas naman kami ni Bongo pero may chaperon, kundi kapatid kong babae ay isang kaibigan na may ka-date rin. Hanggang holding hands lang kami ng boyfriend ko at kiss sa cheeks kapag pa­alis na siya sa bahay pagkahatid sa akin.

Hanggang 10 o’clock lang kami sa pag­de-date dahil laging paalala ni mommy, may pasok kinabukasan.

Napapansin ko po na hindi masaya si Bongo sa chaperon date, parang wala raw tiwala sa kanya at sa akin ang parents ko. Wala naman daw masamang mangyayari kung kami lang ang lalabas. Masusu­bukan pa namin ang control sa sarili, ma­ipapakita rin ang tunay naming pagkatao na mapagkakatiwalaan at matured sa mga limitasyon sa pagitan namin.

Sa mga sinabi niyang ito ako nakum­binsi kaya pumayag na akong mag-date kami nang walang chaperon. Hindi po ito alam ng parents ko. Manonood daw kami ng sine at pupunta sa bahay nila para ipakilala sa kanyang pamilya.

Pero nang malapit na ang petsa ng usapan namin, gusto kong umurong. Nakakahiya mang sabihin ay wala pa akong karanasan sa date na walang chaperon.

Gusto ko pong itanong Dr. Love kung ano ang limitasyon sa pagkakaroon ng intimacy sa mag-boyfriend? Maraming sa­lamat po.

Edna

Dear Edna,

Sa totoo lang nakakakaba ang tanong mong iyan, lalo pa at hindi pa kayo talaga nakakapagsarili ng iyong boyfriend? Dahil kung ang problema lang ay magde-date kayo na kayo lang…hindi talaga ‘yun problema pero ang gumugulo sa isip mo ay tungkol sa intimacy, ibang usapan na ‘yun.

Ang simpleng kiss na may nakakakita ay ibang level na kapag kayo na lang and this might lead to another level na pwedeng hindi n’yo ma-control. I suggest if you have this feeling na may possibility ito, huwag ka nang sumama sa bahay ng boyfriend mo. 

DR. LOVE

vuukle comment

DAHIL

DATE

DEAR EDNA

DR. LOVE

EDNA

HANGGANG

LANG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with